Tips Para Maiwasan ang Fish Kill sa Palaisdaan
Isa sa pangunahing problema ng mga palaisdaan ang fish kill kung saan nakakaranas ng pagkamatay ng malaking bahagi o kabuuang porsiyento ng kanilang alagang isda. Ito ay kadalasang nangyayari tuwing mainit ang panahon kung saan tumataas ang temperature ng tubig na nagreresulta sa pagbaba ng Dissolved Oxygen (DO).
Para matulungan ang mga may-ari ng mga palaisdaan, basahin ang limang tips kung paano epektibong maiiwasan ang fish kill:
- Sundin ang angkop na bilang para sa stocking density ng mga isda.
Ang bawat culture system ay mayroong kaangkupang bilang ng isda na maaring ilagay dahil sa limitasyon ng carrying capacity. Alamin ang sukat ng culture system at ibangga ito sa species na aalagaan. Para sa tilapia, 7 pcs per sqm ang recommended na stocking kung gagamit ng traditional culture methods samantala, 0.5 pcs/sqm ang recommended na stocking density para sa bangus.
- Regular na i-monitor ang water quality sa area.
Maaring magpadala ng samples sa malapit na BFAR office upang mamonitor ang level ng water parameters. Mayroon ding mga senyales sa behavior ng isda na maaring gawing batayan sa estado ng water quality. Ang sumusunod ay ilan sa mga maaaring gamiting batayan:
-Kapag malamig ang tubig, kadalasang hindi kumakain ang mga isda.
-Kapag mababa ang DO, lumalabas at humihinga ang mga isda malapit sa ibabaw ng tubig.
-Kapag mataas ang temperature ng tubig, mas aktibo ang galaw ng isda kung kaya mas mataas ang konsumo ng DO.
- Sundin ang feeding guide.
Ang feeding guide ay gabay sa tamang dami ng pagkain at dalas ng pagbibigay ng pagkain sa mga alagang isda. Makakatulong ito upang maiwasan ang pagkasayang ng feeds at masiguro ang wastong nutrisyon na kinakailangan sa bawat life stage. Ang pagsunod sa gabay ng pagpapakain ay mahalaga din upang maiwasan ang overfeeding na nagreresulta sa pagtaas ng ammonia sa tubig dulot ng mga hindi nakaing pagkain.
- Maglagay ng aeration support bilang dagdag sa oxygen supply.
Ang paddlewheel ay isang investment para sa mga farms na makakatulong upang mapataas ang supply ng DO sa farms tuwing nasa kritikal na mga panahon ng culture period tulad na lamang kapag bumababa ang tubig, umiinit ang panahon, at madaling araw. Kapag mataas ang sikat ang araw, mataas din ang production ng DO mula sa phytoplankton ngunit bumababa ito tuwing gabi hanggang sa kritikal na level kapag madaling araw.
- Maging mapagmatyag sa behavior ng isda at malimit na imonitor ang outbreaks at mortality sa kalapit na mga farms.
Makikita sa behavior ng isda kung ito ay nahihirapan o di kaya ay nakakaranas ng problema sa environment. Ang pagkakaroon ng paunti-unting pagkamatay ng isda sa mga kalapit na farm ay isang warning sign na may problem na kailangang agapan. Hindi na dapat mag-antay na magsimula ang outbreak dahil mainam na mag emergency harvest kung maari upang mabawasan ang density sa ponds.
Naghahanap ka ba ng suporta pagdating sa pagpapalago ng iyong palaisdaan? Magmessage lang at tutulungan ka ng aming Excel Feeds Farming Expert.
click and link sa baba: Contact Us | Excel Feeds