Kumusta, Ka-Excel! Ako si Edward.
Ako ang inyong Ka-Excel Expert. Kasama ang aming mga beterinaryo at animal experts, handa kaming tumulong sa inyong mga katanungan, mula sa pagpili ng tamang produkto, pagpapabuti ng farm management at animal health, hanggang sa mga oportunidad na maging partner ng Excel.
Makakaasa kayo sa field expertise, science-based recommendations, at subok na farming practices upang mapalago ang inyong farm.
Pumili ng option sa ibaba para makapagsimula.
Frequently Asked Questions (FAQs)
Paano ko malalaman kung anong produkto ang bagay sa aking alaga o farm?
Ang tamang produkto ay nakadepende sa edad ng alaga, kondisyon ng farm, at layunin ng raiser. Maaari kayong mag-submit ng inquiry sa aming page para sa tamang rekomendasyon.
Saan ko mabibili ang inyong mga produkto?
Available ang aming mga produkto sa selected agrivet stores, distributors, at partner dealers sa iba't ibang lugar. Maaari kayong mag-submit ng inquiry sa amin para matulungan namin kayong mahanap ang pinakamalapit na store.
Paano gamitin ang produkto nang tama?
Sundin ang recommended dosage at instructions sa label ng produkto. Para sa mas detalyadong gabay, maaari kayong magtanong sa aming vet team, sa partner agrivet suppliers namin, o magsubmit ng inquiry upang mabigyan kayo ng karagdagang impormasyon.
Ligtas ba gamitin ang produkto sa aking mga alaga?
Ang aming mga produkto ay sumusunod sa regulatory standards at tamang formulation para sa animal health. Siguraduhin lamang na sundin ang recommended dosage at wastong paggamit. Maaari rin kayong magsubmit ng inquiry upang mabigyan ng karagdagang gabay ng aming mga experts.
Pwede bang pagsabayin ang produktong ito sa ibang gamot o feed additives?
Sa ilang kaso, maaaring pagsabayin ang produktong ito sa ibang gamot o feed additives, ngunit mas mabuting kumonsulta muna sa beterinaryo o farm advisor upang matiyak na ligtas at epektibo ang kombinasyon. Maaari rin kayong magsubmit ng inquiry upang mabigyan ng tamang payo ng aming vet team.
Ano ang dapat gawin kung hindi gumana agad ang produkto?
Ang resulta ng produkto ay maaaring maapektuhan ng farm management, nutrisyon, at kondisyon ng hayop. Kung may concern sa produkto, maaaring ipagbigay-alam sa pamamagitan ng pagsubmit ng inquiry upang mabalikan kayo ng aming experts.
May minimum order ba para sa inyong produkto?
Depende ito sa dealer o distributor kung saan bibili. Maaari kayong makipag-ugnayan sa amin para sa impormasyon tungkol sa available suppliers sa inyong lugar. Kung nais niyong magbenta o magsimula ng negosyo, i-click ang partner with us.
Pwede bang mag-request ng product demo o farm visit?
Sa piling lugar, maaari kaming mag-arrange ng farm visit o product orientation sa pamamagitan ng aming technical team o partner distributors. Maaari rin ninyo kaming sundan or i-follow sa aming FB at Community pages para maging updated kayo sa aming mga kaganapan.
May warranty o quality assurance ba ang produkto?
Ang mga produkto ni Excel Feeds ay dumadaan sa mahigpit na research at quality control bago ilabas sa merkado. Kung may concern sa produkto, maaaring ipagbigay alam sa pamamagitan ng pagsubmit ng inquiry upang mabigyan kayo ng gabay ng aming experts.
Paano makipag-partner o maging distributor ng inyong produkto?
Kung interesado kayong maging partner o distributor, i-click ang Partner with Us at magsubmit ng inquiry upang mabalikan kayo ng aming team.

Choose a Species
Frequently Asked Questions (FAQs)
Ano ang tamang temperatura para sa mga bagong silang na biik?
Sa mga bagong silang na biik, inirerekomenda naming panatilihin ninyo ang temperatura ng creep area sa 32–35°C sa unang 24–48 na oras, at ibaba ito sa 30–32°C mula ika-3 hanggang ika-7 araw. Mahalaga ito upang maiwasan ang hypothermia at scours sa mga biik.
Paano gagamutin at maiiwasan ang "scours" o pagtatae sa mga biik?
Mataas ang panganib ng dehydration kapag may scours o pagtatae ang biik. Inirerekomenda naming magbigay agad kayo ng oral electrolytes upang maiwasan ang dehydration. Siguraduhin din ninyong nakasuso ang biik ng sapat na colostrum, tama ang temperatura ng kulungan, at malinis ang farrowing area. Ipagbigay-alam agad sa amin o sa pinakamalapit na beterinaryo sa inyong lugar kung nagpapatuloy ang kondisyon ng biik.
Ano ang pinakaimportanteng bakuna para sa biik?
Walang iisang pinakaimportanteng bakuna para sa mga biik dahil nakadepende ito sa disease risk at kondisyon ng bawat farm. Sa karamihan ng farms, kasama sa vaccination program ang PCV2 at Mycoplasma vaccines. Inirerekomenda naming sundin ninyo ang vaccination program na naka-base sa disease status ng inyong farm at payo ng beterinaryo. Maaari rin kayong makipag-ugnayan sa amin o sa pinakamalapit na beterinaryo sa inyong lugar para sa tamang gabay.
Ano at paano maiiwasan ang "pre-weaning mortality"?
Ang “pre-weaning mortality” o pagkamatay ng biik bago sila mawalay sa inahin ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na colostrum, pagpapanatili ng tamang init sa farrowing area, at maayos na piglet management. Inirerekomenda rin naming siguraduhin ninyong malinis at komportable ang kulungan upang mabawasan ang stress at panganib ng sakit sa mga biik.
Kailan maaring ipakasta ang gilts o mga unang beses na inahin (nagdadalaga)?
Karaniwang ipinapakasta ang gilts o nagdadalagang inahin sa edad na 7–8 na buwan o timbang na 120–140 kg. Mas mainam kung nagpapakita na ito ng tamang sexual maturity at malinaw na estrus signs bago ipakasta upang mas mataas ang posibilidad ng matagumpay na breeding.
Ano ang mga palatandaan na naglalandi ang inahin?
Ang karaniwang palatandaan na naglalandi o nasa estrus ang inahin ay ang pamamaga ng vulva, pagkakaroon ng mucus discharge, pagiging hindi mapakali o maingay, at hindi paggalaw kapag pinisil ang likod (standing heat). Ang mga senyales na ito ay indikasyon na handa na ang inahin para sa breeding.
Bakit nagre-reheat ang inahin kahit nakasta na?
Ang pagre-reheat ng isang inahin matapos makasta ay maaaring dulot ng hindi ganap na fertilization. Maaari itong sanhi ng maling timing ng breeding, hormonal imbalance, abnormal na ovulation, mababang semen quality, stress, o problema sa reproductive tract. Kung madalas itong mangyari, inirerekomenda naming ipasuri ninyo agad ang inahin sa amin o sa pinakamalapit na beterinaryo sa inyong lugar upang mabigyan ng tamang payo at solusyon.
Ano ang gagawin kung namamaga ang mga suso ng inahin (Mastitis)?
Kapag namamaga ang mga suso ng inahin (mastitis), inirerekomenda naming sundin ninyo ang mga sumusunod na hakbang: magbigay ng antibiotic at anti-inflammatory o pain reliever ayon sa reseta ng beterinaryo, regular na ipasuso o i-milk out ang apektadong suso, at panatilihing malinis at tuyo ang kulungan upang maiwasan ang paglala ng kondisyon. Kung hindi bumubuti ang kalagayan ng inahin, ipagbigay-alam agad sa amin o sa pinakamalapit na beterinaryo sa inyong lugar.
Ano ang Average Daily Gain (ADG) at bakit ito mahalaga?
Ang ADG ay ang timbang na nadadagdag ng baboy bawat araw sa isang tiyak na panahon. Ito ay sukatan ng growth performance ng baboy, mas mataas na ADG ay nangangahulugang mas mabilis maabot ang market weight. Ito din ay nakakatulong sa pagplano ng feeding program.
Ano ang mga sintomas ng African Swine Fever (ASF)?
Ang karaniwang sintomas ng ASF (African Swine Fever) ay mataas na lagnat (40–42°C), pagkawala ng gana sa pagkain, pamumula ng balat lalo na sa tainga, tiyan, at hita, pagdurugo ng ilong o puwetan, pagtatae, at biglaang pagkamatay ng baboy. Tandaan na sa kasalukuyan ay wala pang bakuna o lunas para sa ASF at ito ay lubhang nakakahawa sa kapwa baboy. Kapag may hinala kayong kaso ng ASF sa inyong lugar o farm, i-report agad ito sa inyong barangay o LGU.
Ano ang mga hakbang para hindi makapasok ang ASF sa farm?
Ang pinakamabisang proteksyon laban sa ASF ay ang mahigpit na biosecurity. Inirerekomenda naming limitahan ninyo ang pagpasok ng bisita sa farm, magsagawa ng regular na disinfection, tiyaking tama ang pag-isolate at pagtatapon ng apektadong baboy, at bumili lamang ng baboy mula sa mapagkakatiwalaang source. Mahalaga rin na agad ninyong ipagbigay-alam sa mga awtoridad o beterinaryo kapag may kahina-hinalang sintomas ng sakit sa inyong lugar o farm.
Paano maiiwasan ang "Porcine Parvovirus"?
Maiiwasan ang Porcine Parvovirus sa pamamagitan ng regular na vaccination ng breeding stock, pagpapanatili ng malinis na kapaligiran, pagbili ng baboy mula sa ligtas at mapagkakatiwalaang source, at pagpapatupad ng mahigpit na biosecurity measures upang maiwasan ang pagpasok at pagkalat ng virus sa farm.
Ano ang ideal stocking density sa pag-aalaga ng broiler?
Sa karamihan ng farms, sinusunod ang stocking density na 8–12 na manok/m², depende sa laki ng manok, klima, at bentilasyon ng kulungan. Inirerekomenda naming iwasan ninyo ang overcrowding upang mabawasan ang stress, sakit, at problema sa performance ng mga alaga.
Paano maiiwasan ang heat stress tuwing tag-init?
Sa mainit na panahon, maaaring maiwasan ang heat stress sa broilers sa pamamagitan ng maayos na bentilasyon, sapat na malamig at malinis na inumin, at paggamit ng cooling systems tulad ng fan o fogger. Inirerekomenda rin naming magpakain sa mas malamig na oras ng araw upang makatulong mabawasan ang stress at mapanatili ang maayos na feed intake ng mga manok.
Paano mapapababa ang Feed Conversion Ratio (FCR) ng broiler?
Maaaring mapababa ang FCR (Feed Conversion Ratio) ng broilers sa pamamagitan ng paggamit ng de-kalidad na feeds, tamang feeding program, maayos na kalusugan ng mga manok, mahigpit na biosecurity, sapat na bentilasyon, at tamang stocking density. Inirerekomenda rin naming panatilihing mababa ang stress at maayos ang management practices upang masuportahan ang mas magandang growth performance at feed efficiency ng mga alaga.
Ano ang ideal humidity level sa loob ng broiler house?
Ang ideal na humidity level sa loob ng broiler house ay nasa pagitan ng 50%–70% relative humidity upang mapanatiling komportable ang mga manok. Kapag masyadong mataas o mababa ang humidity, tumataas ang panganib ng stress, respiratory problems, at iba’t ibang sakit. Inirerekomenda rin namin na panatilihing maayos ang bentilasyon at litter management upang makatulong sa pagkontrol ng humidity sa kulungan.
Ano ang withdrawal period sa pagbibigay ng antibiotic sa broiler?
Ang withdrawal period ay ang itinakdang bilang ng araw na dapat hintayin matapos ang huling pagbibigay ng gamot bago katayin ang manok. Karaniwang umaabot ito ng 3–7 na araw depende sa uri ng gamot upang matiyak na walang residue na maiiwan sa karne.
Dapat bang bigyan agad ng antibiotics ang manok kapag may sintomas ng sakit?
Inirerekomenda naming gamitin lamang ang antibiotics kung talagang kinakailangan at ayon sa payo ng beterinaryo upang makatulong maiwasan ang antimicrobial resistance at mapanatili ang kaligtasan ng pagkain.
Gaano kadalas dapat i-check ang timbang ng broiler?
Sa karamihan ng farms, isinasagawa ang pagtimbang ng mga manok kada linggo upang ma-monitor ang growth performance at makapag-adjust ng feeding at management program kung kinakailangan.
Ano ang ideal na temperatura para sa brooding ng sisiw?
Sa karamihan ng farms, ang ideal na temperatura sa brooding ng mga sisiw ay nasa 32–35°C mula Day 1 hanggang Day 7. Inirerekomenda rin naming unti-unting ibaba ang temperatura habang lumalaki ang mga sisiw upang matulungan silang makapag-adjust at mapanatili ang maayos na paglaki at kalusugan.
Paano mapapababa ang langaw sa farm?
Mahalaga ang regular na paglilinis ng kulungan, tamang waste management, at paggamit ng fly traps upang makatulong makontrol ang pagdami ng langaw sa farm.
Ano ang dapat gawin kapag biglaang namatayan ng manok?
Inirerekomenda gumamit ng incineration, malalim na paglilibing, o tamang composting sa pagtatapon ng mga patay na alaga upang makatulong maiwasan ang pagkalat ng sakit at kontaminasyon sa farm. Mahalaga rin ang pagsunod sa tamang biosecurity at waste management practices para mapanatiling ligtas at malinis ang kapaligiran.
Ano ang mga unang sintomas ng Newcastle Disease (NCD)?
Ang mga unang sintomas ng Newcastle Disease (NCD) sa manok ay pagbaba ng gana sa pagkain, madalas na pag-aalulong o pag-iyak, pamumula ng ulo o balat, at abnormal na galaw tulad ng pag-ikot ng leeg o kawalan ng balanse. Maaari rin itong samahan ng pag-ubo, pagbahing, hirap sa paghinga, at pagtatae sa maagang yugto ng sakit. Inirerekomenda naming agad ninyong ihiwalay ang mga apektadong manok at kumonsulta sa beterinaryo kapag may hinala ng NCD upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa farm.
Kailan dapat magbigay ng electrolytes?
Inirerekomenda ang pagbibigay ng electrolytes sa manok o itik kapag sila ay stressed, nakakaranas ng matinding init ng panahon, bagong lipat ng kulungan, pagkatapos mabakunahan, o may mild dehydration. Nakakatulong ito upang mapanatili ang tamang balanse ng tubig at electrolytes sa katawan at masuportahan ang mas mabilis na recovery at maayos na kondisyon ng mga alaga.
Paano malalaman kung sapat ang init ng brooder?
Malalaman kung sapat ang init ng brooder sa pamamagitan ng pagmamasid sa kilos at distribusyon ng mga sisiw. Kapag nagsisiksikan sila malapit sa heat source, maaaring kulang ang init. Kapag pantay-pantay ang pagkakalat nila sa brooder area, indikasyon ito na tama ang temperatura. Kapag naman malayo sila sa heat source o nagsisiksikan sa gilid ng kulungan, maaaring sobra ang init. Inirerekomenda rin naming regular na bantayan ang kilos ng mga sisiw upang mapanatili ang tamang brooding temperature at maiwasan ang stress.
Ano ang pinakamabisang disinfectant para sa mga kulungan?
Karaniwang ginagamit na disinfectants sa mga kulungan ay ang quaternary ammonium compounds, phenol-based disinfectants, at diluted bleach o sodium hypochlorite. Inirerekomenda rin naming sundin ang tamang dilution at contact time ng disinfectant para sa mas maayos na biosecurity sa farm.
Ano ang dapat gawin bago mag-disinfect ng kulungan?
Mahalaga linisin muna ang dumi, putik, at organic materials bago mag-disinfect upang maging mas epektibo ang disinfectant laban sa mga mikrobyo at sakit.
Gaano katagal ang quarantine period para sa mga bagong manok?
Inirerekomenda naming ihiwalay at obserbahan ang mga bagong dating na alaga sa loob ng 1-2 linggo upang masubaybayan ang kanilang kalusugan at maiwasan ang pagkalat ng sakit sa natitirang flock.
Ano ang ideal stocking density sa pag-aalaga ng layer?
Ang karaniwang stocking density sa pag-aalaga ng layers ay 4–6 na manok/m² para sa floor system at humigit-kumulang 450–550 cm² na espasyo bawat manok sa cage system, depende sa laki ng manok at uri ng kulungan. Inirerekomenda rin naming panatilihin ninyo ang tamang stocking density upang makatulong mabawasan ang stress, sakit, at pagbaba ng egg production.
Gaano kahalaga ang lighting program para sa peak egg production?
Napakahalaga ng lighting program sa pag-aalaga ng layers dahil nakakatulong ito sa pagkontrol ng hormones na responsable sa pangingitlog ng mga manok. Sa tamang lighting program, mas nagiging tuloy-tuloy at mas mataas ang produksyon ng itlog. Inirerekomenda rin naming siguraduhin ninyo ang tamang intensity at haba ng oras ng pag-iilaw upang masuportahan ang maayos na performance at kalusugan ng mga alaga.
Para saan at kailan ang tamang edad para sa debeaking?
Karaniwang ginagawa ang pagputol ng tuka o debeaking sa loob ng unang dalawang linggo ng buhay ng sisiw upang makatulong maiwasan ang cannibalism at feather pecking. Sa panahong ito, mas mababa pa ang stress at mas mabilis makapag-adjust ang mga sisiw matapos ang proseso. Inirerekomenda rin naming gawin ito nang maayos at ayon sa tamang pamamaraan upang maiwasan ang labis na stress o pinsala sa mga alaga.
Ano ang ideal target weight ng pullet bago ito mangitlog?
Karaniwang target weight ng pullets bago magsimulang mangitlog ay nasa 1.5–1.8 kg, depende sa lahi o strain ng manok. Mahalaga ang pagpapanatili ng tamang target weight upang masuportahan ang maayos na development at tuloy-tuloy na produksyon ng itlog. Inirerekomenda rin naming regular na i-monitor ang timbang ng mga pullets upang matiyak na naaabot nila ang tamang growth performance bago pumasok sa laying stage.
Nakakaapekto ba ang feeds sa kulay ng yolk?
Oo. Sa maraming farms, mas nagiging matingkad ang kulay ng egg yolk kapag may sapat na carotenoids at natural pigments ang feeds, habang ang kakulangan sa nutrients ay maaaring magresulta sa maputlang yolk. Mahalaga ang paggamit ng de-kalidad na feeds, tulad ng Excel Feeds, upang masuportahan ang magandang kalidad, kulay, at overall egg production ng mga layers.
Paano mapapababa ang bilang ng cracked eggs?
Maaaring mabawasan ang bilang ng cracked eggs sa pamamagitan ng maayos na nesting system, tamang stocking density, regular na egg collection, at balanced diet upang masuportahan ang mas matibay na egg shell. Inirerekomenda rin naming panatilihing malinis at maayos ang kulungan upang maiwasan ang stress at aksidenteng pagkabasag ng mga itlog.
Ano ang ideal na temperatura para sa brooding ng sisiw?
Sa karamihan ng farms, ang ideal na temperatura sa brooding ng mga sisiw ay nasa 32–35°C mula Day 1 hanggang Day 7. Inirerekomenda rin naming unti-unting ibaba ang temperatura habang lumalaki ang mga sisiw upang matulungan silang makapag-adjust at mapanatili ang maayos na paglaki at kalusugan.
Paano mapapababa ang langaw sa farm?
Mahalaga ang regular na paglilinis ng kulungan, tamang waste management, at paggamit ng fly traps upang makatulong makontrol ang pagdami ng langaw sa farm.
Ano ang dapat gawin kapag biglaang namatayan ng manok?
Inirerekomenda gumamit ng incineration, malalim na paglilibing, o tamang composting sa pagtatapon ng mga patay na alaga upang makatulong maiwasan ang pagkalat ng sakit at kontaminasyon sa farm. Mahalaga rin ang pagsunod sa tamang biosecurity at waste management practices para mapanatiling ligtas at malinis ang kapaligiran.
Ano ang mga unang sintomas ng Newcastle Disease (NCD)?
Ang mga unang sintomas ng Newcastle Disease (NCD) sa manok ay pagbaba ng gana sa pagkain, madalas na pag-aalulong o pag-iyak, pamumula ng ulo o balat, at abnormal na galaw tulad ng pag-ikot ng leeg o kawalan ng balanse. Maaari rin itong samahan ng pag-ubo, pagbahing, hirap sa paghinga, at pagtatae sa maagang yugto ng sakit. Inirerekomenda naming agad ninyong ihiwalay ang mga apektadong manok at kumonsulta sa beterinaryo kapag may hinala ng NCD upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa farm.
Kailan dapat magbigay ng electrolytes?
Inirerekomenda ang pagbibigay ng electrolytes sa manok o itik kapag sila ay stressed, nakakaranas ng matinding init ng panahon, bagong lipat ng kulungan, pagkatapos mabakunahan, o may mild dehydration. Nakakatulong ito upang mapanatili ang tamang balanse ng tubig at electrolytes sa katawan at masuportahan ang mas mabilis na recovery at maayos na kondisyon ng mga alaga.
Paano malalaman kung sapat ang init ng brooder?
Malalaman kung sapat ang init ng brooder sa pamamagitan ng pagmamasid sa kilos at distribusyon ng mga sisiw. Kapag nagsisiksikan sila malapit sa heat source, maaaring kulang ang init. Kapag pantay-pantay ang pagkakalat nila sa brooder area, indikasyon ito na tama ang temperatura. Kapag naman malayo sila sa heat source o nagsisiksikan sa gilid ng kulungan, maaaring sobra ang init. Inirerekomenda rin naming regular na bantayan ang kilos ng mga sisiw upang mapanatili ang tamang brooding temperature at maiwasan ang stress.
Ano ang pinakamabisang disinfectant para sa mga kulungan?
Karaniwang ginagamit na disinfectants sa mga kulungan ay ang quaternary ammonium compounds, phenol-based disinfectants, at diluted bleach o sodium hypochlorite. Inirerekomenda rin naming sundin ang tamang dilution at contact time ng disinfectant para sa mas maayos na biosecurity sa farm.
Ano ang dapat gawin bago mag-disinfect ng kulungan?
Mahalaga linisin muna ang dumi, putik, at organic materials bago mag-disinfect upang maging mas epektibo ang disinfectant laban sa mga mikrobyo at sakit.
Gaano katagal ang quarantine period para sa mga bagong manok?
Inirerekomenda naming ihiwalay at obserbahan ang mga bagong dating na alaga sa loob ng 1-2 linggo upang masubaybayan ang kanilang kalusugan at maiwasan ang pagkalat ng sakit sa natitirang flock.
Paano mapoprotektahan ang mga free-range na manok mula sa predators?
Sa karamihan ng farms, inilalagay ang mga alaga sa ligtas at maayos na kulungan tuwing gabi at gumagamit ng bakod o netting upang maiwasan ang pagpasok ng predators. Inirerekomenda rin naming iwasan ninyong pabayaang walang supervision ang mga alaga sa open area upang mabawasan ang panganib ng pag-atake at pagkawala ng mga ito.
Ano ang mga halaman na pwedeng ipakain sa mga native na manok?
Karaniwang halamang pinapakain sa native na manok ang kangkong, malunggay, saluyot, alugbati, pechay, at iba pang malalambot na gulay. Maaari rin silang pakainin ng mais, talbos ng kalabasa, at dahon ng kamote bilang dagdag na nutrisyon. Inirerekomenda rin naming siguraduhin ang balanseng pagpapakain upang masuportahan ang maayos na paglaki at kalusugan ng mga alaga.
Ano ang tamang edad para i-harvest ang native chicken?
Para sa meat production, karaniwang hina-harvest ang native chicken sa edad na 4–6 na buwan, depende pa rin sa target na laki at timbang ng manok. Para naman sa mga inahin na ginagamit sa egg production, hindi agad sila hina-harvest at karaniwang pinapanatili muna habang mataas pa ang produksyon ng itlog. Sa maraming farms, karaniwang hina-harvest ang mga inahin matapos ang kanilang peak egg-laying period.
Paano mapapabilis ang paglaki ng native chicken sa free-range system?
Sa field practice, mahalaga ang pagbibigay ng balanced diet na mataas sa protina, sapat at malinis na inumin, at maayos na farm management upang masuportahan ang magandang paglaki at kalusugan ng mga alaga. Inirerekomenda rin naming iwasan ang stress at sakit sa pamamagitan ng regular na paglilinis, wastong vaccination program, at tamang biosecurity.
Maaari bang purong mais lang ang ipakain sa mga native na manok?
Hindi sapat na purong mais lamang ang ipakain sa native na manok dahil kulang ito sa protina at iba pang nutrients na kailangan para sa mabilis at malusog na paglaki. Inirerekomenda naming magdagdag ng iba pang source ng protina at nutrients tulad ng munggo, malunggay, at de-kalidad na commercial feeds upang masuportahan ang balanced nutrition at mas mabilis na paglaki ng mga alaga.
Ano ang ideal na temperatura para sa brooding ng sisiw?
Sa karamihan ng farms, ang ideal na temperatura sa brooding ng mga sisiw ay nasa 32–35°C mula Day 1 hanggang Day 7. Inirerekomenda rin naming unti-unting ibaba ang temperatura habang lumalaki ang mga sisiw upang matulungan silang makapag-adjust at mapanatili ang maayos na paglaki at kalusugan.
Paano mapapababa ang langaw sa farm?
Mahalaga ang regular na paglilinis ng kulungan, tamang waste management, at paggamit ng fly traps upang makatulong makontrol ang pagdami ng langaw sa farm.
Ano ang dapat gawin kapag biglaang namatayan ng manok?
Inirerekomenda gumamit ng incineration, malalim na paglilibing, o tamang composting sa pagtatapon ng mga patay na alaga upang makatulong maiwasan ang pagkalat ng sakit at kontaminasyon sa farm. Mahalaga rin ang pagsunod sa tamang biosecurity at waste management practices para mapanatiling ligtas at malinis ang kapaligiran.
Ano ang mga unang sintomas ng Newcastle Disease (NCD)?
Ang mga unang sintomas ng Newcastle Disease (NCD) sa manok ay pagbaba ng gana sa pagkain, madalas na pag-aalulong o pag-iyak, pamumula ng ulo o balat, at abnormal na galaw tulad ng pag-ikot ng leeg o kawalan ng balanse. Maaari rin itong samahan ng pag-ubo, pagbahing, hirap sa paghinga, at pagtatae sa maagang yugto ng sakit. Inirerekomenda naming agad ninyong ihiwalay ang mga apektadong manok at kumonsulta sa beterinaryo kapag may hinala ng NCD upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa farm.
Kailan dapat magbigay ng electrolytes?
Inirerekomenda ang pagbibigay ng electrolytes sa manok o itik kapag sila ay stressed, nakakaranas ng matinding init ng panahon, bagong lipat ng kulungan, pagkatapos mabakunahan, o may mild dehydration. Nakakatulong ito upang mapanatili ang tamang balanse ng tubig at electrolytes sa katawan at masuportahan ang mas mabilis na recovery at maayos na kondisyon ng mga alaga.
Paano malalaman kung sapat ang init ng brooder?
Malalaman kung sapat ang init ng brooder sa pamamagitan ng pagmamasid sa kilos at distribusyon ng mga sisiw. Kapag nagsisiksikan sila malapit sa heat source, maaaring kulang ang init. Kapag pantay-pantay ang pagkakalat nila sa brooder area, indikasyon ito na tama ang temperatura. Kapag naman malayo sila sa heat source o nagsisiksikan sa gilid ng kulungan, maaaring sobra ang init. Inirerekomenda rin naming regular na bantayan ang kilos ng mga sisiw upang mapanatili ang tamang brooding temperature at maiwasan ang stress.
Ano ang pinakamabisang disinfectant para sa mga kulungan?
Karaniwang ginagamit na disinfectants sa mga kulungan ay ang quaternary ammonium compounds, phenol-based disinfectants, at diluted bleach o sodium hypochlorite. Inirerekomenda rin naming sundin ang tamang dilution at contact time ng disinfectant para sa mas maayos na biosecurity sa farm.
Ano ang dapat gawin bago mag-disinfect ng kulungan?
Mahalaga linisin muna ang dumi, putik, at organic materials bago mag-disinfect upang maging mas epektibo ang disinfectant laban sa mga mikrobyo at sakit.
Gaano katagal ang quarantine period para sa mga bagong manok?
Inirerekomenda naming ihiwalay at obserbahan ang mga bagong dating na alaga sa loob ng 1-2 linggo upang masubaybayan ang kanilang kalusugan at maiwasan ang pagkalat ng sakit sa natitirang flock.
Ano ang ideal na edad ng itik bago magsimulang mangitlog?
Ang ideal na edad ng itik bago magsimulang mangitlog ay karaniwang nasa 4–6 na buwan, depende sa breed, nutrisyon, at pamamahala sa pag-aalaga. Mahalaga ang tamang feeding program at maayos na kondisyon ng kulungan upang masuportahan ang maaga at tuloy-tuloy na produksyon ng itlog.
Paano masisiguro na sapat ang nutrisyon ng itik sa free-range?
Upang masigurong sapat ang nutrisyon ng free-range na itik, mahalaga pa ring magbigay ng supplemental feed na may sapat na protina, vitamins, at minerals. Maaari silang hayaan na maghanap ng natural na pagkain sa paligid, ngunit inirerekomenda rin naming tiyaking may access sila sa sariwa at malinis na tubig.
Paano mapapanatili ang kalidad ng itlog?
Sa maraming farms, kinokolekta ang mga itlog ng 2–3 beses bawat araw upang mapanatili ang magandang kalidad ng itlog, maiwasan ang pagkabasag, at mabawasan ang panganib ng kontaminasyon. Inirerekomenda rin naming panatilihing malinis ang nesting area at maayos ang paghawak sa mga itlog upang makatulong mapanatili ang kanilang kalidad at kalinisan.
Paano nakakaapekto ang molting sa egg production ng itik?
Habang nagmo-molting ang itik, karaniwang bumababa o pansamantalang tumitigil ang egg production dahil inuuna ng katawan nito ang pagpapalit at pagtubo ng bagong balahibo. Sa panahong ito, mahalagang masuportahan ang mga alaga sa pamamagitan ng maayos na nutrisyon, sapat na pahinga, at mababang stress upang makatulong sa mas mabilis na recovery at pagbabalik ng produksyon ng itlog.
Paano mapapabilis o mapapagaan ang molting process?
Maaaring mapabilis ang molting process sa pamamagitan ng pagbibigay ng high-protein feeds, sapat at malinis na inumin, at pagpapanatili ng stress-free na environment upang masuportahan ang mas mabilis na recovery at pagbabalik ng maayos na produksyon ng itlog.
Ano ang ideal na temperatura para sa brooding ng sisiw?
Sa karamihan ng farms, ang ideal na temperatura sa brooding ng mga sisiw ay nasa 32–35°C mula Day 1 hanggang Day 7. Inirerekomenda rin naming unti-unting ibaba ang temperatura habang lumalaki ang mga sisiw upang matulungan silang makapag-adjust at mapanatili ang maayos na paglaki at kalusugan.
Paano mapapababa ang langaw sa farm?
Mahalaga ang regular na paglilinis ng kulungan, tamang waste management, at paggamit ng fly traps upang makatulong makontrol ang pagdami ng langaw sa farm.
Ano ang dapat gawin kapag biglaang namatayan ng manok?
Inirerekomenda gumamit ng incineration, malalim na paglilibing, o tamang composting sa pagtatapon ng mga patay na alaga upang makatulong maiwasan ang pagkalat ng sakit at kontaminasyon sa farm. Mahalaga rin ang pagsunod sa tamang biosecurity at waste management practices para mapanatiling ligtas at malinis ang kapaligiran.
Ano ang mga unang sintomas ng Newcastle Disease (NCD)?
Ang mga unang sintomas ng Newcastle Disease (NCD) sa manok ay pagbaba ng gana sa pagkain, madalas na pag-aalulong o pag-iyak, pamumula ng ulo o balat, at abnormal na galaw tulad ng pag-ikot ng leeg o kawalan ng balanse. Maaari rin itong samahan ng pag-ubo, pagbahing, hirap sa paghinga, at pagtatae sa maagang yugto ng sakit. Inirerekomenda naming agad ninyong ihiwalay ang mga apektadong manok at kumonsulta sa beterinaryo kapag may hinala ng NCD upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa farm.
Kailan dapat magbigay ng electrolytes?
Inirerekomenda ang pagbibigay ng electrolytes sa manok o itik kapag sila ay stressed, nakakaranas ng matinding init ng panahon, bagong lipat ng kulungan, pagkatapos mabakunahan, o may mild dehydration. Nakakatulong ito upang mapanatili ang tamang balanse ng tubig at electrolytes sa katawan at masuportahan ang mas mabilis na recovery at maayos na kondisyon ng mga alaga.
Paano malalaman kung sapat ang init ng brooder?
Malalaman kung sapat ang init ng brooder sa pamamagitan ng pagmamasid sa kilos at distribusyon ng mga sisiw. Kapag nagsisiksikan sila malapit sa heat source, maaaring kulang ang init. Kapag pantay-pantay ang pagkakalat nila sa brooder area, indikasyon ito na tama ang temperatura. Kapag naman malayo sila sa heat source o nagsisiksikan sa gilid ng kulungan, maaaring sobra ang init. Inirerekomenda rin naming regular na bantayan ang kilos ng mga sisiw upang mapanatili ang tamang brooding temperature at maiwasan ang stress.
Ano ang pinakamabisang disinfectant para sa mga kulungan?
Karaniwang ginagamit na disinfectants sa mga kulungan ay ang quaternary ammonium compounds, phenol-based disinfectants, at diluted bleach o sodium hypochlorite. Inirerekomenda rin naming sundin ang tamang dilution at contact time ng disinfectant para sa mas maayos na biosecurity sa farm.
Ano ang dapat gawin bago mag-disinfect ng kulungan?
Mahalaga linisin muna ang dumi, putik, at organic materials bago mag-disinfect upang maging mas epektibo ang disinfectant laban sa mga mikrobyo at sakit.
Gaano katagal ang quarantine period para sa mga bagong manok?
Inirerekomenda naming ihiwalay at obserbahan ang mga bagong dating na alaga sa loob ng 1-2 linggo upang masubaybayan ang kanilang kalusugan at maiwasan ang pagkalat ng sakit sa natitirang flock.
Ano ang ideal na pH level ng tubig para sa bangus?
Ano ang ideal na lalim ng tubig sa bangus pond?
Gaano katagal bago anihin ang bangus?
Ano ang tamang stocking density ng bangus sa fishpond?
Ano ang mga pangunahing kailangan upang makapagsimula ng palaisdaan?
Ang mga pangunahing kailangan para makapagsimula ng fish farm ay malinis at maayos na supply ng tubig, maayos na pond o cage system, de-kalidad na fingerlings, tamang feeding at monitoring program, at de-kalidad na pakain tulad ng Excel Feeds upang masuportahan ang magandang paglaki at kalusugan ng mga isda.
Ano ang ibig sabihin ng berdeng tubig sa palaisdaan?
Ang berdeng tubig sa palaisdaan ay karaniwang dulot ng algae o algal bloom. Sa tamang dami, magandang senyales ito dahil nakakatulong ang algae bilang karagdagang natural na pagkain ng mga isda. Gayunpaman, kapag sumobra ang algal bloom, maaari itong magdulot ng kakulangan ng oxygen sa tubig lalo na sa gabi o madaling araw. Inirerekomenda naming regular ninyong bantayan at i-manage ang kalidad ng tubig upang maiwasan ang problema sa pond. Kapag hindi ito naagapan at naging kulay brown ang tubig, maaari itong senyales ng pagtaas ng ammonia o pagkasira ng water quality sa palaisdaan.
Anong mga paraan ang ginagamit sa pagdala or paghatid ng fingerlings?
Gaano kadalas dapat i-monitor ang kalidad ng tubig sa palaisdaan?
Ano ang mga karaniwang sakit ng tilapia at bangus sa palaisdaan?
Ano ang mga benepisyo ng floating feeds sa isda?
Dapat bang pakainin ang isda habang umuulan?
Mahalagang maintindihan na bumababa ang gana sa pagkain ng isda kapag malamig ang tubig o panahon. Kapag malakas ang ulan, mas mainam na bawasan o pansamantalang ihinto ang pagpapakain sa isda.
Ilang buwan ang pagpapalaki ng tilapia bago ito maibenta?
Sa karamihan ng farms, karaniwang inaabot ng 4–6 na buwan bago umabot sa market size ang tilapia (300–500g). Gayunpaman, nakadepende pa rin ang bilis ng paglaki nito sa kalidad ng pakain, kondisyon ng tubig, at maayos na pamamahala sa palaisdaan. Inirerekomenda naming panatilihing maayos ang water quality at feeding program upang masuportahan ang mas magandang paglaki ng tilapia.
Pwede bang palakihin ang tilapia gamit lamang ang freshwater?
Pwede. Karaniwang pinapalaki ang tilapia sa tubig-tabang o freshwater tulad ng mga palaisdaan, lawa, at fishpond. Maaari rin itong mabuhay sa brackish water kung maayos ang management at kalidad ng tubig. Sa kasalukuyan, may mga dine-develop na uri ng tilapia na kayang makaangkop sa maalat na tubig o seawater, tulad ng UPV-SPIN Tilapia at Molobicus sp.
Ano ang papel ng lalaki at babaeng tilapia sa fish farm?
Ginagamit ang lalaking tilapia sa production dahil mas mabilis itong lumaki kaysa sa babaeng tilapia. Ang babaeng tilapia naman ay ginagamit sa pagpaparami ng populasyon. Sa karamihan ng farms, mas marami ang lalaking tilapia upang mas mabilis ang production ng farm.
Paano napaparami ang lalaking tilapia sa farm?
Upang makapag-produce ng mas maraming lalaking tilapia, maaaring pakainin ang fry ng fry mash na may alpha-methyltestosterone hormone sa unang 28 araw matapos mapisa. Inirerekomenda naming gawin lamang ito sa tamang dosage at pamamahala upang masiguro ang maayos na development at kalusugan ng tilapia.
Ano ang inirerekomendang stocking density ng tilapia sa palaisdaan?
Ang stocking density ay nakadepende sa uri at sistema ng palaisdaan. Para sa extensive or natural type na palaisdaan, ang stocking density ay 3-7 fish/m². Para naman sa intensive or industrial type, umaabot ang stocking density sa 10-20 fish/m² kung maayos ang aeration, feeding, at water management.
Ilang beses dapat pakainin ang tilapia sa isang araw?
Sa karamihan ng farms, pinapakain ang tilapia ng 2–3 na beses bawat araw. Para naman sa fingerlings, mas mainam ang 3–4 na beses na pagpapakain upang masuportahan ang mas mabilis na paglaki ng mga ito. Inirerekomenda rin naming iwasan ninyo ang overfeeding upang hindi masira ang kalidad ng tubig dahil sa sobrang feeds.
Ano ang mga pangunahing kailangan upang makapagsimula ng palaisdaan?
Ang mga pangunahing kailangan para makapagsimula ng fish farm ay malinis at maayos na supply ng tubig, maayos na pond o cage system, de-kalidad na fingerlings, tamang feeding at monitoring program, at de-kalidad na pakain tulad ng Excel Feeds upang masuportahan ang magandang paglaki at kalusugan ng mga isda.
Ano ang ibig sabihin ng berdeng tubig sa palaisdaan?
Ang berdeng tubig sa palaisdaan ay karaniwang dulot ng algae o algal bloom. Sa tamang dami, magandang senyales ito dahil nakakatulong ang algae bilang karagdagang natural na pagkain ng mga isda. Gayunpaman, kapag sumobra ang algal bloom, maaari itong magdulot ng kakulangan ng oxygen sa tubig lalo na sa gabi o madaling araw. Inirerekomenda naming regular ninyong bantayan at i-manage ang kalidad ng tubig upang maiwasan ang problema sa pond. Kapag hindi ito naagapan at naging kulay brown ang tubig, maaari itong senyales ng pagtaas ng ammonia o pagkasira ng water quality sa palaisdaan.
Anong mga paraan ang ginagamit sa pagdala or paghatid ng fingerlings?
Karaniwang ginagamit ang plastic bag na may sapat na tubig at oxygen sa pagbiyahe ng mga fingerlings o isda. Para sa malalayong biyahe, mahalagang mapanatili ang tamang temperatura ng tubig (humigit-kumulang 24°C) at maayos na handling upang mabawasan ang stress ng mga isda. Inirerekomenda rin naming regular na tingnan at mag re-oxygenate ng tubig sa kalagitnaan ng biyahe upang masigurong hindi bumababa ang dissolved oxygen level. Kapag naman isasakay sa eroplano, mahalagang hindi masyadong sealed ang plastic bag upang makapag-adjust ito sa pagbabago ng pressure habang nasa biyahe.
Gaano kadalas dapat i-monitor ang kalidad ng tubig sa palaisdaan?
Tandaan na hindi sapat na batayan lamang ang linaw ng tubig upang malaman ang tunay na kondisyon nito. Sa karamihan ng farms, araw-araw ginagawa ang basic water quality checks tulad ng temperature at dissolved oxygen, habang lingguhan naman ang mas detalyadong pagsusuri gaya ng pH, nitrite, at ammonia levels. Mahalaga ang regular na monitoring upang maiwasan ang stress, sakit, at mortality ng mga isda. Inirerekomenda rin naming magsagawa ng regular na water exchange at tamang pond management upang makontrol ang pagtaas ng ammonia sa tubig.
Ano ang mga karaniwang sakit ng tilapia at bangus sa palaisdaan?
Ang mga karaniwang sakit na nararanasan sa tilapia at bangus farming ay bacterial infections, parasitic infestations, at stress dulot ng mababang oxygen level o mahinang water quality. Sa karamihan ng farms, nakatuon ang prevention sa maayos na water management, tamang stocking density, at wastong feeding program upang mapanatiling malusog ang mga isda. Sa kasalukuyan, wala pang malawakang naitatalang viral infection na pangunahing problema sa tilapia at bangus production.
Ano ang mga benepisyo ng floating feeds sa isda?
Maraming benepisyo ang paggamit ng floating feeds sa palaisdaan. Dahil lumulutang ito sa tubig, mas madaling makita kung gaano karami ang nakakain ng mga isda, mas kontrolado ang feeding, at nakakatulong itong mabawasan ang water pollution mula sa sobrang pakain. Dahil dito, mas nagiging maayos ang feed management at mas epektibo ang nutrition absorption ng mga isda.
Dapat bang pakainin ang isda habang umuulan?
Mahalagang maintindihan na bumababa ang gana sa pagkain ng isda kapag malamig ang tubig o panahon. Kapag malakas ang ulan, mas mainam na bawasan o pansamantalang ihinto ang pagpapakain sa isda.
Frequently Asked Questions (FAQs)
Paano ba maging Excel retail partner?
Madali lang. Kung interesado kayong maging Excel retail partner, magsubmit lamang ng inquiry sa aming page at babalikan kayo ng aming team upang gabayan kayo sa susunod na mga hakbang.
Ano ang mga karaniwang kailangan para maging retail partner?
Kung nais ninyong maging retail partner, kinakailangan ang government-issued IDs at kaukulang business registration ng inyong tindahan. Upang malaman ang kumpletong listahan ng mga requirements, magsubmit lamang ng inquiry sa aming page at mabibigyan kayo ng karagdagang detalye ng aming team.
Anong suporta ang makukuha kapag naging retail partner?
Bukod sa de-kalidad na produkto, may suportang nakalaan para sa retail partners. Upang malaman ang mga ito at kung paano ito makakatulong sa pagpapalago ng inyong negosyo, i-submit lamang ang inyong inquiry sa aming page at ikagagalak naming magbigay ng karagdagang impormasyon.
Pwede ba maging Excel retail partner kahit saang lugar?
Maaari kayong maging Excel retail partner sa piling lugar sa Pilipinas. Upang malaman kung kwalipikado ang inyong lokasyon at kung anu-anong oportunidad ang available sa inyong lugar, magsubmit lamang ng inquiry sa aming page at ikagagalak naming tulungan kayo.