Paano Maaagapan Ang Post-Weaning Lag?
Ang post-weaning lag ay ang paghina o pagbagal ng paglaki ng biik pagkatapos maihiwalay sa inahin. Sa panahong ito, maaaring bumaba ang feed intake, bumagal ang weight gain, at tumaas ang risk ng stress at sakit.
Mga Senyales na Dapat Bantayan
- Mabagal o walang dagdag timbang
- Mahina ang gana sa pagkain
- Matamlay o hindi aktibo
- Pagtatae o malambot na dumi
- Hindi pantay-pantay ang laki ng mga biik
- Mas madaling kapitan ng sakit
Bakit Nangyayari ang Post-Weaning Lag?
Ang weaning ay isang malaking transition para sa biik—mula sa gatas ng inahin patungo sa solid feed, kasabay ng pag-a-adjust sa bagong kulungan at feeding routine. Kapag hindi maayos ang transition, maaaring maranasan ang Post-Weaning Lag, kung saan bumabagal ang feed intake, digestion, at growth performance ng biik.
5 Paraan Para Maiwasan ang Post-Weaning Lag
1. Magbigay ng angkop na creep/pre-starter feed
Pumili ng feed na akma sa digestive capacity at growth stage ng biik. Ang Excel Creep Booster ay formulated para makatulong sa critical post-weaning stage, kabilang ang nutrient absorption, gut health, at tuloy-tuloy na growth.
2. Iwasan ang biglaang pagbabago ng feed
Panatilihing consistent ang feeding program at gawing maayos ang transition sa susunod na feed phase.
3. Siguraduhing may malinis at sariwang tubig
Laging magbigay ng access sa malinis at sariwang tubig para suportahan ang digestion, hydration, at overall performance.
4. Panatilihing malinis at komportable ang kulungan
Bawasan ang stress sa pamamagitan ng maayos na ventilation, tamang temperature, kalinisan, sapat na feeder access, at tamang stocking density.
5. Bantayan ang biik araw-araw
Regular na obserbahan ang feed intake, water intake, timbang, kilos, at dumi para maagapan agad ang anumang problema.
Tandaan, Ka-Excel! Ang magandang post-weaning performance ay nagsisimula sa tamang nutrisyon, tamang alaga, at tamang desisyon mula sa unang araw ng weaning.
Sa maayos na transition, mas malaki ang posibilidad na makamit ang:
✓ Mas maayos na feed intake
✓ Mas tuloy-tuloy na paglaki
✓ Mas magandang development
✓ Mas stable na gut health
✓ Mas mababang risk ng pagkabansot at sakit
Gusto mo bang maiwasan ang post-weaning lag at masigurong tuloy-tuloy ang paglaki ng iyong mga biik? Mag-message lang at tutulungan ka ng aming Excel Feeds Hog Farming Expert.
Iclick and link sa baba: Contact Us | Excel Feeds
Para maiwasan ang post-weaning lag at mapanatiling tuloy-tuloy ang paglaki ng mga biik, tandaan: Kasama Mo Mag-Excel!