Excel Feeds-Pagprotekta sa Baboy Laban sa ASF Gamit ang Tamang Pagpapakain

Pag Protekta Sa Baboy Laban Sa Asf Gamit Ang Tamang Pagpapakain.

Ang African Swine Fever (ASF) ay patuloy na banta sa industriya ng pagbababoy. Bagama’t hindi direktang nakapipigil ang feeds sa ASF, ang paggamit ng de-kalidad na commercial feeds ay mahalagang bahagi ng biosecurity at tamang farm management upang mapanatiling malusog at matatag ang iyong mga alagang baboy.

Sa panahon ng ASF crisis, ang layunin ng bawat hog raiser ay mapanatili ang malakas na pangangatawan at resistensya ng kanilang alaga. Dito pumapasok ang papel ng de-kalidad na commercial feeds tulad ng Excel Hog Feeds, na may mga teknolohiyang idinisenyo upang suportahan ang kalusugan at performance ng mga baboy.

Paano Sinusuportahan ng Excel Hog Feeds ang Kalusugan ng Baboy? Sa Excel Hog Feeds, bawat bag ay ginawa upang suportahan ang kalusugan, paglaki, at performance ng iyong mga baboy sa bawat yugto ng kanilang produksyon. Bukod sa kumpleto at balanseng nutrisyon, taglay nito ang mga espesyal na teknolohiyang tumutulong upang mas mahusay na magamit ng baboy ang bawat pakain.

✔AbsorBilis
Pinapahusay ang pagsipsip at paggamit ng sustansya mula sa pakain upang masulit ng baboy ang bawat pagkain at mapanatili angmagandang performance.

✔Nutri-MAX
Nagbibigay kumpletong ng balanse nutrisyon at upang masuportahan ang paglaki, body condition, at pangkalahatang kalusugan ng baboy.

✔Gut-Protex
Tumutulong na mapanatili ang kalusugan ng bituka (gut health), na mahalaga para sa tamang digestion at nutrient absorption. Ang malusog na bituka ay nakatutulong upang mapanatiliang magandang kondisyon ng baboy lalo na sa panahon ng matinding stress.

Mahalaga Pa Rin ang Biosecurity
Ang tamang pagpapakain ay bahagi lamang ng kabuuang proteksyon laban sa ASF. Kinakailangan pa rin ang:
· Mahigpit na sanitasyon at disinfection
· Kontroladong pagpasok ng tao at sasakyan sa farm
· Tamang quarantine procedures
· Malinis at ligtas na feed at water management
· Maayos na pangangasiwa sa kalusugan ng mga alagang baboy

Tandaan: Walang feed na makapipigil o makagagamot sa ASF. Gayunpaman, ang wastong nutrisyon, kasama ng mahigpit na biosecurity, ay makatutulong upang mapanatiling malusog at matatag ang mga alagang baboy sa gitna ng mga hamon sa industriya.

Naghahanap ka ba ng suporta sa hog farming para malabanan ang problema sa ASF at iba pang challenges sa hog farming? Magmessage lang at tutulungan ka ng aming Excel Feeds Hog Farming Expert.

click and link sa baba: Contact Us | Excel Feeds