Excel Hapag-kalinga: Kasama Sa Pagbangon Ng Mindanao
Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan noong Hunyo 12, 2026, nakiisa ang Excel Feeds sa diwa ng bayanihan sa pamamagitan ng Excel Hapag-Kalinga, kung saan naghatid ito ng libreng mainit na sabaw sa mga pamilyang naapektuhan ng 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao. Sa pakikipagtulungan ng DBLSB Agrivet Supplies Incorporated, mahigit 240 katao sa Calumpang at Malapatan ang nabigyan ng agarang tulong.
Sa pamamagitan ng Excel Hapag-Kalinga, patuloy na isinusulong ng Excel Feeds ang diwa ng bayanihan at pakikiisa sa mga komunidad sa oras ng pangangailangan. Bilang bahagi ng pangako nitong maging katuwang ng hog raisers at mga komunidad na pinaglilingkuran nito, naniniwala ang Excel Feeds na mas matatag ang pagbangon kapag sama-sama. Dahil sa Excel, “Kasama Mo Mag-Excel”.
Para sa iba pang updates tungkol sa mga programa, tips sa pag-aalaga ng baboy, at mga kuwentong Ka-Excel, i-follow ang Excel Feeds Facebook Page at manatiling updated sa mga pinakabagong balita at inisyatiba ng Excel Feeds.