ASF VACCINE - Temp Header

ASF VACCINE: ANO ANG DAPAT MALAMAN NG HOG RAISERS? 

Ang African Swine Fever (ASF) ay isang seryosong sakit na maaaring magdulot ng malaking pagkalugi sa hog production. Kaya mahalagang malaman ang mga paraan ng pag-iwas at pagkontrol dito upang maprotektahan ang kalusugan ng mga baboy at kabuhayan ng mga hog raiser.

Noong September 2, 2026, inaprubahan ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang commercial sale ng AVAC ASF LIVE, na iniulat bilang unang ASF vaccine na na-clear para sa commercial sale para sa fatteners, ayon sa Department of Agriculture (DA). Gayunpaman, hindi sapat ang bakuna lamang upang makontrol ang ASF. Mahalagang sundin ang tamang vaccination guidelines at patuloy na ipatupad ang mahigpit na biosecurity sa farm. Ano-ano ang dapat tandaan bago magbakuna? Narito ang mahahalagang hakbang na dapat malaman.

Mga Hakbang Bago Magbakuna

  1. Kumonsulta muna.

Makipag-ugnayan sa lokal na Veterinary Office, BAI, o licensed veterinarian para sa tamang gabay at kinakailangang pahintulot.

  1. Suriin ang ASF status ng lugar.

Tiyaking pinapayagan ang vaccination program sa inyong lugar batay sa kasalukuyang requirements.

  1. Tiyaking kwalipikado ang mga baboy.

Suriin ang kanilang edad at kalusugan, at sundin ang kinakailangang testing protocols.

  1. Sundin ang tamang proseso.

Tiyaking nasusunod ang mga requirement sa pagbabakuna, monitoring, at dokumentasyon.

  1. Alamin ang movement requirements.

Sundin ang mga naaangkop na patakaran sa paglipat at transportasyon ng mga baboy.

Bakuna + Biosecurity = Mas Kumpletong Proteksyon!

Hindi sapat ang bakuna lamang. Panatilihing malinis at disinfected ang kulungan, kontrolin ang pagpasok ng mga tao at kagamitan, at agad na kumonsulta sa veterinarian kapag may kahina-hinalang sintomas o hindi pangkaraniwang pagkamatay ng mga baboy.

Tandaan, maaaring magbago ang vaccination requirements. Kumonsulta muna sa inyong lokal na Veterinary Office o licensed veterinarian upang matiyak na naaayon sa kasalukuyang guidelines ang vaccination program.

Excel Feeds - Content Middle Section

Protektahan ang Inyong Alaga, Pangalagaan ang Inyong Kabuhayan!

May mga tanong tungkol sa ASF vaccination at mga hakbang para maiwasan ang pagkalat ng ASF sa inyong farm?

Makipag-ugnayan sa Excel Feeds Hog Farming Expert para sa karagdagang kaalaman at praktikal na gabay sa feeding program at farm management.

I-click ang link sa ibaba upang makipag-ugnayan sa amin!

 Contact Us | Excel Feeds  

Para sa mas ligtas na alagang baboy at mas maayos na farm management, tandaan: Kasama Mo Mag-Excel!