Paghahanda ng Babuyan Tuwing Tag-Ulan: Mga Dapat Gawin ng Mga Nag-aalaga ng Baboy
INTRODUCTION
Kapag malamig at maulan ang panahon, mas madaling kapitan ng sakit ang mga baboy lalo na kung nababasa o naiistres sila. Kaya mahalagang panatilihing tuyo at malinis ang kanilang kulungan. Kailangan din na siguraduhing mabigyan sila ng sapat ang pagkain at tamang pag-kalinga.
Narito ang ilang simpleng tips para mapanatiling malusog ang alagang baboy at tuloy-tuloy ang kita kahit maulan.
REFERENCES/SOURCES
- https://agritech.tnau.ac.in/animal_husbandry/ani_pig_care%20mgt.html
- https://extension.psu.edu/cold-temperature-management-for-pigs
- https://www.pigprogress.net/topic/hypothermia/
- https://www.pig333.com/guide333/companies/ceva-sante-animale/posts/10674
- https://www.thepigsite.com/articles/overlaying
IMAGE SOURCE:
Link: https://www.asiafarming.com/month-wise-pig-farm-maintenance-effective-operation-for-better-profitshttps://www.asiafarming.com/month-wise-pig-farm-maintenance-effective-operation-for-better-profits


- Panatilihing Tuyo at Ligtas ang Kulungan
I-repair ang mga butas ng bubong at dingding, para hindi pasukin ng ulan. Pagtibayin din ang mga poste at trusses ng piggery house. Maghanda ng mga pantabing sa gilid ng kulungan, dahil kailangan natin ito kung malalakas ang hampas ng hangin at ulan. Maigi na nakasabit na sa gilid ng kural ang tabing, para mabilis lang ang pagladlad at pagtupi nito kung kailangan.
- Siguraduhing Maayos at Malinis ang Kulungan
Limasin ang tubig na pumasok sa kulungan dahil sa malakas na ulan. Sa pamamagitan nito, mapananatiling malinis ang paligid ng piggery house at maiiwasan itong maging breeding ground ng mga lamok na maaaring magdulot ng sakit sa ating mga alaga at pati na rin sa atin.


3. Bigyan ng sapat na pag-aruga at pag-alaga ang mga biik pagkapanganak pa lang.
Pagkapanganak ng biik, siguraduhing matanggal ang lamad sa katawan at agad itong punasan ng malinis na basahan para matuyo at hindi ginawin. Ilagay agad sa painitan o brooder area para manatiling mainit ang katawan nila. Kung malamig ang panahon, puwedeng gumamit ng mineral-based absorbent (pulbos na panuyot) para mabilis silang matuyo. Tandaan, ang unang tatlong araw ng biik ang pinaka-kritikal kaya dapat tutukan ang tamang pag-aalaga sa panahong ito.
IMAGE SOURCE:
Photo: https://www.thepigsite.com/articles/winter-ventilation-tips-for-indoor-pig-herds
4. Iwasan ang CSO Syndrome (Chilling, Starvation, Overlaid)
Nararanasan ng mga biik ang CSO Syndrome (Chilling, Starvation, Overlaid) kapag malamig ang panahon, tulad ngayong tag-ulan. Dahil dito, nababawasan ang kanilang colostrum intake, kaya nagugutom sila, madaling dapuan ng sakit gaya ng scouring o pagtatae.
Upang maiwasan ang CSO, ating siguraduhin na warm at comfortable ang lagay ng ating mga alagang biik. Mahalagang maglagay ng artificial heater tulad ng brooder lamp para hindi ginawin ang mga biik, lalo na sa tag-ulan. Ang sobrang lamig na panahon ay isang dahilan ng “stress” ng baboy kaya dapat nating obserbahan kung sila ay nagkukumpulan o nanginginig. Ito ay senyales na nilalamig sila at nangangailangan ng init.
IMAGE SOURCE:
Photo:
Photo: https://firstfilbio.com/palatandaan-na-may-sakit-ang-baboy/


- Siguraduhing maayos at tuyo ang bodega ng feeds.
Sa bodega naman, siguraduhing nakapatong sa paleta or naka-angat sa sahig ang feeds supply upang maiwasan ang pag-build-up ng amag mula sa moisture build up. Mahalaga din na may sapat na inventory ng Excel Hog feeds upang masigurado na may pagkain ang ating mga alaga kung sakali mang magkaroon ng malakas na bagyo at mahirapan tayong makabili ng supply.
Sa panahon ng tag-ulan, mahalaga ang tamang paghahanda para manatiling malusog at iwas-sakit ang ating mga alagang baboy. Sa malinis na kulungan, tamang init, sapat na pagkain, at maayos na pag-aalaga, maiiwasan ang mga sakit gaya ng ubo, pagtatae, at CSO Syndrome.
Ngunit hindi lang kulungan ang dapat handa. Ang pinakamahalaga ay ang pagkain at nutrisyon ng ating mga alagang baboy. Dito makakatulong ang Excel Feeds! Sa tag-ulan, mas kailangan ng baboy ng matibay na resistensya at tamang nutrisyon.
Bakit maganda ang Excel Feeds?
✔️ May Absorbilis Feature para sa maayos na tunaw ng pagkain kahit malamig ang panahon.
✔️ May Nutri-Max Feature na tumutulong sa tuloy-tuloy na laki at sigla ng baboy.
✔️ May Gut Protex Technology mula sa probiotics para palakasin ang panlaban sa sakit.
Kaya kung gusto mong masiguradong malusog ang mga alagang baboy at tuloy-tuloy ang kita kahit tag-ulan, sa Excel Feeds ka na!
Dahil sa Excel Feeds, Excel-lent sa BIGAT, Excel-lent sa KITA!

