Mga Sakit Sa Baboy Sa Panahon Ng Tag-init At Paano Ito Maiiwasan
Kapag mainit ang panahon, hindi lang tayo ang naaapektuhan, pati na rin ang mga alagang baboy. Mas mabilis silang ma-stress at magkasakit dahil sa init, kawalan ng tubig, at maruming paligid.
Kaya bilang magbababoy, mahalagang alam natin ang mga sakit na pwedeng tumama sa baboy tuwing tag-init at kung paano ito maiiwasan.
Narito ang ilang mga pangkaraniwang sakit ng baboy tuwing tag-init na dapat bantayan ng bawat magbababoy.

IMAGE SOURCE: https://www.hubbardfeeds.com/blog/maximizing-profitability-during-summer-markets-through-nutrition-pig-operations
Karaniwang Sakit ng Baboy Tuwing Tag-init
IMAGE SOURCE:
1st photo: Image Source: https://tuguegarao.bomboradyo.com/mga-baboy-nakakaranas-ng-heat-stroke-at-nangangayayat-na-dahil-sa-init-ng-panahon/
2nd photo: Image Source: https://tuguegarao.bomboradyo.com/mga-baboy-nakakaranas-ng-heat-stroke-at-nangangayayat-na-dahil-sa-init-ng-panahon/
- Heat Stress
Kapag tag-init, sobrang init sa kulungan ang nagdudulot ng hirap sa baboy na ilabas ang init sa katawan, lalo na’t hindi sila nagpapawis tulad ng tao. Dahil dito, mabilis silang tamaan ng heat stress, na karaniwang nagsisimula sa madalas na paghihingal, kawalan ng gana sa pagkain, at panghihina. Sa mas malalang kaso, maaaring mawalan ng malay ang baboy o tuluyang mamatay. Mas mataas ang panganib sa matatabang baboy, lalo na yung malapit nang katayin, at madalas itong mangyari kapag tirik ang araw at walang maayos na bentilasyon o lilim sa kulungan.
Ang mga sintomas ng heat stress sa baboy ay kinabibilangan ng: kawalan ng ganang kumain, pamumula ng balat, mabilis na paghinga, pagdalas ng pag-inom ng tubig, panginginig ng kalamnan, at mas madalas na pag-ihi. Maaari rin silang makitaan ng paghiga sa sahig habang naghahanap ng malamig na lugar, pagkakaroon ng pagtatae, at sa malulubhang kaso, pagkakaroon ng seizure. Kadalasan, ang baboy ay tila pagod, hindi gaanong gumagalaw, o ayaw tumayo, kaya mahalagang bantayan ang kanilang kilos lalo na sa mainit na panahon.
Paano Maiiwasan ang Heat Stress
- Laging may malamig at malinis na tubig ang baboy.
- Maglagay ng silungan o bubong para hindi direktang tinatamaan ng araw ang mga alaga.
- Puwede ring gumamit ng electric fan o mist spray para mapreskuhan sila.
- Pneumonia o Pulmonya
Kahit tag-init, puwede pa ring magka-pulmonya ang baboy, lalo na kung may biglang pagbabago ng temperatura—gaya ng galing sa mainit na kulungan tapos binigyan ng malamig na tubig o tinamaan ng malamig na hangin. Karaniwang tinatamaan ang mga mahihinang biik at matatandang baboy. Ang mga sintomas ay Pneumonia o Pulmonya, hirap sa paghinga na naka-buka ang bibig, laging nakahiga, at walang sigla. Kapag lumala, puwedeng magkaroon ng lagnat, mawalan ng gana kumain, at makitaan ng bluish na kulay sa balat o may sipon sa ilong—senyales na hindi maayos ang pagdaloy ng dugo o oxygen sa katawan.
Hindi porke’t mainit ang panahon ay ligtas na sa sakit sa baga ang mga baboy. Sa totoo lang, mas sensitibo sila kapag may biglaang lamig sa paligid. Kaya mahalaga ang maayos na airflow sa kulungan at ang pag-iwas sa mga biglang pagbabago ng klima. Huwag basta balewalain ang ubo—dahil posibleng simula na ito ng pulmonya na kung hindi maagapan, ay lalala at ikakapinsala ng baboy.
Paano Maiiwasan ang Pneumonia o Pulmonya
- Huwag biglaan ang pagpapainom ng malamig na tubig, lalo na kung galing sila sa mainit.
- Siguraduhing may hangin na pumapasok sa kulungan pero hindi sobrang lamig.
- Kapag may baboy na inuubo o hirap huminga, agad na kumonsulta sa beterinaryo.
IMAGE SOURCE:
1st photo: https://www.prrs.com/disease-control/symptoms/prrs-respiratory-symptoms
2nd photo: https://www.pig333.com/articles/prrsv-and-pcv2-interaction-in-a-farm-in-poland_7168/
Karaniwang Sakit ng Baboy Tuwing Tag-init
IMAGE SOURCE:
1st photo: https://www.abs-cbn.com/news/10/23/19/laoag-veterinary-office-nagbabala-sa-sakit-na-erysipelas-sa-baboy
2nd photo: https://www.facebook.com/photo/?fbid=130680067629318&set=a.128436324520359
- Skin Problems o Problema sa Balat
Tuwing tag-init, mas mataas ang posibilidad na tamaan ng skin diseases ang mga baboy, lalo na ang galis o sarcoptic mange. Ito ay sanhi ng maliliit na insektong sumusuot sa balat ng baboy at nagdudulot ng matinding pangangati, pamumula, pagbabalat, at minsan ay pagkasugat. Dahil sa discomfort, nawawalan ng gana kumain ang baboy, bumababa ang timbang, at humihina ang resistensya. Isa sa mga palatandaan ay ang madalas na pagkuskos ng katawan ng baboy sa pader o anumang matigas na bagay.
Madalas na nagmumula ang ganitong sakit sa maduming kulungan at sobrang init ng panahon. Kaya mahalaga ang regular na paglilinis ng kulungan at pagmamasid sa kalagayan ng balat ng baboy. Ang iba pang sintomas ng skin disease ay ang paglabas ng mapupulang pantal o rashes, pagkabalisa, lagnat, at kawalan ng gana sa pagkain. Kapag napabayaan, mabilis itong makahawa sa ibang baboy, kaya mas mainam na maagapan agad.
Paano Maiiwasan ang Skin Problems o Problema sa Balat
- Linisin ang kulungan palagi para hindi pamugaran ng langaw at surot.
- Iwasan ang putik at tumpok ng dumi sa loob ng kulungan.
- Bantayan kung may galis o sugat ang balat ng baboy at agad gamutin kung meron.

Ngayong alam na natin ang mga karaniwang sakit ng baboy tuwing tag-init at kung paano ito maiiwasan, mas madali na nating maprotektahan ang ating mga alaga.
Ngayong mainit ang panahon kung kailan kadalasang humihina ang gana sa pagkain ng baboy, mahalagang gumamit ng high density feeds tulad ng Excel Premium Hog Feeds. Sa kakaunting pakain, nakakakuha pa rin ang baboy ng sapat na nutrisyon na kailangan para sa tuloy-tuloy na paglaki. Hindi rin nadaragdagan ang heat increment o init na mula sa pagtunaw ng pagkain mula sa Excel Premium Hog Feeds.
Kaya ngayong tag-init, siguraduhing protektado laban sa sakit at may tamang nutrisyon ang pagkain ng inyong mga alaga. Sa mga panahong ito, maaasahan ninyo ang Excel Feeds bilang katuwang sa pagbibigay ng wastong nutrisyon at proteksyon para sa inyong mga alagang baboy. Sa pamamagitan ng mga feature ng Excel Feeds tulad ng Gut Protex, Absorbilis, at Nutri-Max, tiyak ang suporta sa kalusugan at paglago ng inyong mga alaga.
Sa tulong ng Gut Protex technology na nagmumula sa probiotics sa Excel Feeds, tiyak na lalakas ang resistensya at magiging mas malusog ang pangangatawan ng iyong mga alagang baboy!
Taglay din nito ang Absorbilis feature na tumutulong para sa mas mabisang disgestion ng pagkain upang masigurong makukuha ng husto ang kinakailangang nutrisyon.
At para sa tuloy-tuloy na paglaki, nandiyan ang Nutri-Max feature na gamit ang Digestible Amino Acid (DAA) para maabot ng iyong mga alagang baboy ang maximum growth potential!
Kaya ano pang iyong inaantay? Sa Excel Feeds ka na! Dahil sa Excel Feeds, siguradong Excel-lent sa Bigat, Excel-lent sa Kita!