Gut Health and Protection sa mga Alagang Biik

Maraming aspect o concept kung papaano maging efficient ang pag-aalaga ng baboy. Isa na dito ay ang “Gut Health”. Ano ba ang gut health concept? Sabi nila, kung isang hog raiser ang tatanungin mo tungkol sa gut health, it ay nangangahulugan ng “high productivity”, kung veterinarian naman ay “absence if disease” o sa isang nutritionist, nangangahulugan naman ito ng “good absorption”. So, sino ang tama? Actually, lahat sila ay tama!
Ang pagkakaroon ng isang malusog na gut o gastro-intestinal tract (GIT) ng ating mga alaga ay may malaking papel na ginagampanan sa kanilang paglaki. Kapag malusog ang kanilang gut (bituka), ibig sabihin ay mag reresulta ito ng mas magandang feed digestion na ang magiging epekto naman ay mas magandang absorption ng nutrients via epithelial membranes. In short, magkakaroon ng magandang feed efficiency na magreresulta sa isang profitable na hog raising. Alam naman natin na ang feed cost ang may pinakamalaking bahagi sa gastusin ng pag-aalaga ng baboy at target talaga natin na efficient ang feeds na kanilang kinakain.
 
Maliban sa nutrient digestion and absorption, ang isang healthy gut ay nakatutulong din sa aspetong immunity, dahil by nature, ang gut ay ang first line of defense ng mga hayop laban sa mga microbial pressure sa paligid.
 
protektadong gut health para sa mabilis na paglaki ng mga biik
protektadong gut health para sa mabilis na paglaki ng mga biik
Isa sa pinaka-critical na stage ng mga baboy na kung saan pinagtutuuan ng pansin ang gut health ay tuwing weaning phase of piglets o sa panahon ng pagwawalay ng mga biik. Sa stage na ito nangyayari ang tinatawag natin na post-weaning lag. Alam ko naririnig nyo na yan na term. Ano ba ang meron sa post-weaning lag? Tuwing winawalay ang mga biik, maraming challenges silang na-eencounter tulad ng bagong diet at bagong environment dahil sa biglaan silang nahiwalay sa kanilang ina at mga kapatid (litetrmates). Dahil dito, sila ay nagiging stress at kalaunan mag trigger na kunti lang ang kanilang kakainin (loss appetite), pagkakaroon ng diarrhea o pagtatae, mababang timbang at mabagal na paglaki. Unstable pa ang microbiota ng mga biik, kaya malaki ang chance na madali silang kapitan ng anumang sakit na pwedeng makaapekto sa kanilang productivity o di kaya pagkamatay. Kaya, importante talaga na pagtuunan ng pansin ang gut health ng ating mga alaga.
Hog Starter Pallet
Hog Starter Pallet

Ano ang ating gagawin, para makamit ang isang healthy gut? Pagkapanganak ng mga biik, dapat sila ay nakakuha ng colostrum sa inahin dahil ito ay nagtataglay ng mga maternally derived antibodies. Aside sa gatas, dahan dahan natin silang i-introduce sa solid feed. Magbigay tayo ng Excel creep booster feed simula sa Day 5 hanggang Day 20. Gumamit naman tayo ng Excel Pre-starter feed mula Day 20 hanggang Day 50. Ang Excel feeds ay gumagamit ng “gut health protection technology” sa pagkain ng biik para sa malusog at mabilis na paglaki. Maiiwasan din ang pagkabansot dahil iwas sakit ang ating mga alaga. Para sa tuloy-tuloy na paglaki, siguraduhin na Excel feeds lamang ang gagamitin na pakain sa ating mga alaga hanggang sa sila ay mabenta. Tandaan natin na basta tatak Excel, Excel-lent sa Bigat, Excel-lent sa Kita!