Bakit Mahalaga Ang Creep Feeding Sa Mga Biik?

Bago ka ba sa hog farming at nagiisip kung paano ang wastong pagwalay ng biik sa inahin? Isa sa mga kailangan mong bantayan at ay ang wastong creep feeding.

Ang creep feeding ay ang pagbibigay ng espesyal na pakain sa mga biik habang sila ay sumususo pa sa inahin. Layunin nito na masanay ang mga biik sa solid feeds at matugunan ang kanilang pangangailangan sa nutrisyon.

Sa tamang creep feeding, mas nagiging mabigat ang timbang sa weaning, mas mabilis ang paglaki, at nababawasan ang stress kapag inihiwalay na sila sa inahin. Nakakatulong din ito sa pag-develop ng malusog na digestive system at mas mahusay na nutrient absorption, na mahalaga para sa tuloy-tuloy na magandang performance hanggang paglaki.

Bakit Mahalaga Ang Creep Feeding Sa Mga Biik - Excel Feeds Products

Para sa pinakamahusay na resulta, simulan ang creep feeding sa edad na 7–10 araw. Gumamit ng de-kalidad at madaling matunaw na pakain tulad ng Excel Hog Creep Booster Pellet. Siguraduhing laging sariwa ang pakain at may sapat na malinis na inuming tubig ang mga biik upang makamit ang tuloy-tuloy na magandang paglaki.

Mga Benepisyo ng Excel Creep Booster

  • Mas mabilis na paglaki ng mga biik Mas mabigat na timbang sa weaning
  • Tumulong sa pag-develop ng malusog na digestive system
  • Mas mahusay na nutrient absorption
  • Mas malakas na resistensya at mas mababang stress pagkatapos ng weaning ✔Mas pantay-pantay na paglaki ng mga biik

Para sa pinakamahusay na resulta, simulan ang creep feeding sa edad na 7–10 araw gamit ang de-kalidad at madaling matunaw na Excel Hog Creep Bosster Pellet. Siguraduhing laging sariwa ang pakain at may malinis na inuming tubig ang mga biik.

Ang tamang creep feeding ay isang simpleng hakbang na may malaking epekto sa kalusugan, paglaki, at kakayahang kumita ng iyong babuyan.

Naghahanap ka ba ng suporta sa hog farming para mas mapalaking malusog ang mga biik?Magmessage lang at tutulungan ka ng aming Excel Feeds Hog Farming Expert. Click and link sa baba: Contact Us | Excel Feeds