Tamang Body Condition Score at Tamang Nutrisyon: Susi sa Tuloy-tuloy na Productivity ng Inahin

 Sa industriya ng pagbababuyan, ang tunay na sukatan ng tagumpay ay ang kakayahan ng mga inahin na makapagluwal ng maraming malulusog na biik nang tuloy-tuloy. Ngunit alam mo ba na may isang simpleng tool na may malaking epekto sa productivity ng farm?

Ito ang Body Condition Score (BCS).

Ang BCS ay paraan ng pagsusuri sa katawan ng inahin sa pamamagitan ng pagtingin at paghawak sa kanyang likod at balakang upang matukoy kung siya ba ay masyadong payat, sakto lamang, o sobra sa taba. Sa pamamagitan nito, nalalaman kung handa siyang magbuntis, manganak nang maayos, at makapagpasuso nang sapat. Sa madaling sabi, ang tamang BCS ang nagsisilbing gabay upang mapanatili ang balanse sa pagitan ng nutrisyon at tuloy-tuloy na productivity ng farm.

Ang tamang Body Condition Score (BCS) ay may malaking epekto sa kakayahang manganak ng inahin. Ang target o ideal na kondisyon para sa inahin ay Score 3. Kapag nasa tamang kondisyon o Score 3 ang inahin, mas mabilis siyang magbalik sa paglalandi matapos mawalay ang mga biik at mas mataas ang tsansang mabuntis muli. Kung masyado siyang payat, inuuna ng katawan ang pagtitipid ng energy kaya naaantala ang paglalandi at nababawasan ang posibilidad ng pagbubuntis. Kapag sobra naman sa taba, maaaring magkaroon ng problema sa ovulation at mabawasan ang dami ng maipanganak na biik. Bukod dito, ang labis na taba ay maaaring magdulot ng hirap sa panganganak, mas mahabang pag-iri, at panganib sa mga biik. Samantalang ang inahing nasa tamang kondisyon ay mas madaling manganak at mas mabilis makarekober pagkatapos.

 

Narito sa ibaba ang iba’t ibang anyo ng mga inahin base sa kanilang Body Condition Score:

Score

Condition

Description

1

Masyadong Payat

Kitang-kita ang mga buto sa balakang at likod. Walang taba sa katawan.

2

Payat

Nararamdaman ang mga buto kapag hinawakan nang bahagya.

3

Ideal (Tamang-tama)

Hindi kita ang buto, pero nararamdaman ito kapag diniinan ang likod.

4

Mataba

Hindi na maramdaman ang buto kahit diinan. Bilugan ang katawan.

5

Obese

Masyadong malapad, hirap nang lumakad, at makikita ang patong-patong na taba.

 

 Hindi lamang reproduction ang naaapektuhan ng BCS. Ang maayos na kondisyon ng katawan ay mahalaga rin para sa mas maayos na pagpapasuso at pangkalahatang kalusugan ng inahin. Ang mga inahing palaging nasa tamang kondisyon ay mas hindi madaling kapitan ng sakit, may mas matibay na pangangatawan at paa, at mas tumatagal sa produksyon bago i-cull. Sa aspetong pinansyal, ang pag-monitor ng BCS ay nakatutulong upang maiakma ang pagpapakain ayon sa pangangailangan ng bawat inahin. Sa ganitong paraan, naiiwasan ang sobrang pakain o kulang sa nutrisyon, mas napapabuti ang feed efficiency, at mas nakokontrol ang kabuuang gastos sa farm.

Upang mapanatili ang tamang kondisyon at masuportahan ang mga aspetong ito, dito makatutulong ang Excel Feeds. Ang Excel Feeds ay may ImmunExcel Technology para sa mas matibay na resistensya lalo na sa breeding at lactation stages. Meron din itong taglay na Nutri-Max na may Digestible Amino Acid (DAA) na tumutulong para masulit ang nutrients at mapanatili ang tamang kondisyon ng katawan para sa maayos na reproduction o pagpaparami.  Meron din itong AbsorBilis feature, na siyang nakakatulong sa mas mahusay na digestion at nutrient absorption, na makakatulong sa pagkamit ng tamang timbang ng inahin. Higit sa lahat meron din itong Gut-Protex na may probiotics at prebiotics na tumutulong maiiwasan ang pagtatae at stress para tuloy-tuloy ang milk production at mas maayos ang overall performance ng inahin.

Sa Kabuuan, ang pagpapanatili ng tamang Body Condition Score ay ang pundasyon ng mahabang productive life ng isang inahin.  Ngunit hindi ito makakamit kung walang suportang tamang nutrisyon. Sa tulong ng Excel Feeds mas nagiging madali ang pagpapanatili ng ideal na kondisyon ng katawan ng inyong mga inahin. Dahil sa Excel Feeds – Kasama mo kaming mag-Excel!