Ang Kahalagahan Ng Epektibong Biosecurity
Program Para Sa Baboy
Ngayong hindi pa rin nawawala ang banta ng African Swine Fever (ASF) sa bansa, mahalagang maintindihan ng bawat magbababoy kung gaano kahalaga ang tamang pamamaraan para sa epektibong biosecurity program.
Ang biosecurity program ay mga paraan para maprotektahan ang farm laban sa sakit. Hindi lang ito basta pagpigil sa sakit mula sa labas, kundi pati tamang paggalaw sa loob ng farm para hindi mahawa ang malulusog na baboy.
Kapag may maayos na biosecurity program, iwas tayo sa sakit at malaking pagkalugi. Kaya ngayon, hindi lang pagpapakain at pag-aalaga ang importante — dapat din protektado ang kalusugan ng mga alaga natin.
Ang mga sumusunod ay iilan sa mga bagay na magpapaliwanag kung bakit mahalagang magkaroon ng Epektibong Biosecurity Program.
References: The Better Pork Guide to Managing Biosecurity in a Pig Farm https://biotechfarms.com/the-better-pork-guide-to-managing-biosecurity-in-a-pig-farm/

Tatlong Mahahalagang Parte ng Biosecurity sa Pig Farm
Para sa mga nag-aalaga ng baboy, mahalaga ang tamang pag-iingat para maiwasan ang sakit at manatiling malusog ang inyong alaga. Heto ang ilan sa mga importanteng bagay na dapat tandaan:

Layunin nito na pigilan ang pagpasok ng sakit sa farm.

Layunin nito pigilan ang pagkalat ng sakit sa ibang mga baboy sa loob ng farm.

Layunin nitong pigilan ang pagkalat ng sakit kung sakaling may tama na.

IMAGE SOURCE:
Bio-Exclusion Example: https://www.fao.org/vietnam/programmes-and-projects/success-stories/biosecurity-model/en/
Bio-exclusion:
Ibig sabihin, lahat ng tao, sasakyan, gamit, o hayop na galing sa labas ay kailangang dumaan sa tamang linis at disinfection bago makapasok.
Tips Kung Paano Ito Ipatupad:
-
-
- Maglagay ng footbath sa gate at bawat pasukan. Gumamit ng disinfectant at palitan ito araw-araw.
- Ihiwalay ang mga bagong dating na baboy. I-quarantine muna sila ng hindi bababa sa 2 linggo bago isama sa ibang baboy.
- Huwag basta-basta nagpapasok ng bisita. Kung kailangan, siguraduhing malinis ang damit at sapatos nila (gamit ng farm lang).
- Linisin at i-disinfect ang mga sasakyan bago pumasok sa farm. Lalo na ang mga naghatid ng feeds o kumuha ng baboy.
-
Bio-containment
Kapag may sakit na nakapasok, mahalagang pigilan ang pagkalat nito ibang mga baboy sa loob ng farm. Hindi lang ito para protektahan ang sariling farm kundi pati na rin ang iba pang mga magbababoy at ang ating food supply.
Tips Kung Paano Ito Ipatupad:
-
-
- Ihiwalay agad ang may sakit na baboy. Ilagay sila sa “sick pen” para hindi makahawa sa iba.
- Gumamit ng hiwalay na gamit para sa may sakit na baboy. Hindi dapat magkahalo ang kagamitan ng healthy at may sakit na baboy.
- Mag-report agad sa veterinarian o technician. Para ma-monitor at matulungan ka sa tamang aksyon.
- Itapon ng maayos ang patay na hayop. Huwag basta-basta ilibing o itapon sa ilog.
-

IMAGE SOURCE: https://ibctv13.com/pagbabakuna-sa-mga-baboy-kontra-asf-sinimulan-na-sa-lobo-batangas/

Bio-management
Ang bio-management ay ang sama-samang hakbang para kontrolin ang mga sakit na madalas na tumatama sa mga baboy. Kabilang dito ang paglilinis at pagdi-disinfect ng kwarto, pagbabakuna, at tamang paggalaw ng mga baboy para mapalakas ang resistensya at mabawasan ang pagkalat ng sakit. Mahalagang maintindihan ng magbababoy kung paano kumakalat ang sakit, paano ito mapipigilan, at gaano kalaki ang magiging gastos kapag nagkaroon ng outbreak. Sa tulong ng maayos na bio-management, mas mapapanatiling malusog ang mga baboy at mas magiging matagumpay ang kabuhayan ng magbababoy.
Tips Kung Paano Ito Ipatupad:
- Maglinis araw-araw at mag-disinfect ng regular. Lalo na ang kural, feeding area, at paliguan ng baboy.
- Sundin ang tamang programa ng pagbabakuna. Kumonsulta sa vet para malaman kung kailan at anong bakuna ang kailangan.
- Ayusin ang daloy ng baboy sa farm. Iwasan ang pagsasama-sama ng bagong panganak, lumalaki, at matatandang baboy.
- Bigyan ng sapat na pagkain at malinis na tubig ang baboy. Mas malakas ang resistensya ng baboy kapag healthy.
- Gumawa ng record o talaan ng kalusugan ng bawat grupo ng baboy para madaling matukoy kung kailan at saan nagsimula ang problema.
Sa panahon ngayon na patuloy ang banta ng ASF, hindi sapat ang basic na pag-aalaga lang sa ating mga alagang baboy. Kailangan ay may tamang biosecurity program para mapanatiling ligtas ang iyong mga alaga. Mula sa pagpigil sa sakit hanggang sa pag-iingat sa loob ng farm.
Ang regular na paglilinis, pag-disinfect, at tamang paggalaw sa loob at labas ng farm ay malaking tulong para mapanatiling malusog ang iyong mga alaga.
Atin ding tatandaan na hindi lang kalinisan ang kailangan para sa matibay at epektibong biosecurity program. Napakahalaga din na matataas ang kalidad ang kinakain ng ating mga alaga.
Sa pamamagitan ng kombinasyon ng epektibong biosecurity program at tamang nutrisyon mula sa quality feeds gaya ng Excel Feeds, mas napapalakas ang resistensya ng mga alagang baboy laban sa sakit. Sa katunayan, taglay ng Excel Feeds ang mga advanced features tulad ng Gut Protex, Absorbilis, at Nutri-Max na tumutulong sa kalusugan, nutrisyon, at paglaki ng inyong alaga.

Sa tulong ng Gut Protex technology na nagmumula sa probiotics sa Excel Feeds, tiyak na lalakas ang resistensya at magiging mas malusog ang pangangatawan ng iyong mga alagang baboy!
Taglay din nito ang Absorbilis feature na tumutulong para sa mas mabisang disgestion ng pagkain upang masigurong makukuha ng husto ang kinakailangang nutrisyon.
At para sa tuloy-tuloy na paglaki, nandiyan ang Nutri-Max feature na gamit ang Digestible Amino Acid (DAA) para maabot ng iyong mga alagang baboy ang maximum growth potential!
Kaya ano pang iyong inaantay? Sa Excel Feeds ka na! Dahil sa Excel Feeds, siguradong Excel-lent sa Bigat, Excel-lent sa Kita!